Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted nasakote sa quarantine

0 79

Matapos ang matagal na pagtatago sa Metro Manila, bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isa sa mga most wanted person sa Pio V. Corpuz, Masbate nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Marvin Mahinay.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa ulat, nadakip si Mahinay bandang alas-10:30 ng umaga sa isang quarantine facility sa Barangay Buenaswerte sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Domingo Maristela Jr., ng Cataingan, Masbate Regional Trial Court Branch 49, para sa kaso niyang attempted murder.

Sabi ng pulisya, umuwi si Mahinay sa lalawigan at nag-quarantine ng 14 araw sa pag-aakalang hindi siya mahuhuli ng kapulisan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.