Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted ng Aklan timbog sa Pasig

0 117

Tapos na ang pagtatago ng 31-anyos na lalaking may kinahaharap na kasong Robbery with Homicide matapos maispatan sa Barangay Pinagbuhatan at agad na ikinasa ang hot pursuit operation, kamakalawa sa Pasig City.

Inaresto si Mark Archie Torrefiel, tubong Makato, Aklan ng pinagsanib na puwersa ng Aklan Police Provincial Office at CIDG NCRFU kasama ang National Intelligence Coordinating Agency at Pasig Police matapos makita ang suspek sa nasabing barangay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Torrefiel ay inakusahan sa kasong Robbery with Homicide na naganap noong June 6, 2022 sa RD Pawnshop sa Mabini St,. Poblacion, Kalibo, Aklan.

Nabatid na nagtago ang suspek sa Pasig City ilang araw matapos ang krimen at nabisto nang may nakakita dito.

Nasa pangangalaga ngayon ng CIDG NRCFU ang suspek habang inihahanda ang pagdinig sa korte. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.