Abante Tonite Interactive

Most wanted ng Antipolo tiklo

By
1,038

Na-hunting na ng pinagsanib na puwersa ng Antipolo Police ang tinaguriang No. 4 most wanted person matapos ang isinagawang follow-up operation  kamakalawa ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Purita M. Deynata ng RTC Branch 98, Antipolo City, Rizal, nadakip si Noel Leonen y Plopiño, 43-anyos, security guard at residente ng Sitio San Lorenzo Ruiz, Barangay San Roque, Antipolo City sa kasong rape na naganap noong Pebrero 14, 2017.

Batay sa report, nagsagawa ang mga awtoridad ng follow-up at manhunt Charlie at Oplan Galugad bandang alas-10:00 kamakalawa ng umaga sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal na kung saan ay nahuli ang suspek sa loob ng kanyang bahay.

Nasa kustodiya ngayon ng Antipolo City Police Station ang suspek habang inihahanda ang court order laban sa kanya. (Vick Aquino)