Abante Tonite Interactive

Wanted: Papalit kina Jericho, Piolo, John Lloyd

611

ROMMEL PLACENTE: Sabi ni Jericho Rosales, titigil na raw siya sa paggawa ng serye. After daw ng “Halik” ay hindi na siya gagawa. Twenty three years na raw kasi siyang gumagawa ng serye. Gusto naman daw niyang i-challenge ang sarili niya na gumawa ng bagay na hindi pa niya nagagawa like directing, producing and writing.

Pero hindi naman daw niya totally iiwan ang pag-arte, meaning gagawa pa rin siya ng pelikula. After “Halik” na magtatapos na two weeks from now, ay magko-concentrate raw muna siya sa pagkanta, pagmo-motor at surfing.

Abante Hiring – IT dep

Bago raw matapos ang taon, sasabihin niya kung ano na ang mga gusto niyang gawin. O ‘di ba, ginaya ni Echo si Piolo Pascual na tigil na rin sa paggawa ng serye?

Sana tama ang naging desisyon ni Echo. Baka mamaya ay bumalik ulit siya sa paggawa ng serye ‘pag hindi siya naging matagumpay sa bagong gagawin niya sa kanyang karera.aniniwala siya na matutulungan siya ng nasabing kompanya. Nagkaroon ng banda si Echo na siya ang lead vocalist at nagkaroon pa sila ng album. Pero hindi nag-click ang kanilang banda na naging dahilan para iwanan niya ang Genesis at bumalik sa Star Magic.

Ayun at muling nagningning ang kanyang career nang bigyan siya ulit ng serye ng Kapamilya network. Kailangan pa rin talaga ni Echo ng serye. Iba pa rin talaga ang araw-araw siyang napapanood sa telebisyon, ‘di ba? Ang gawin na lang niya after “Halik”, pahinga muna siya nang ilang buwan tapos gawa ulit siya ng serye. Mag-recharge muna siya.

RODEL FERNANDO: Korek, very Piolo Pascual ang drama rin nitong si Papa Echo. Sure rin ba siya sa sinasabi niya? Baka naman maging ala-Kris Aquino ito na hindi napanindigan ang ilang beses nang pag-alis sa showbiz pero bumabalik naman.

Pero kung hindi siya mag-teleserye, anong show naman ang bagay sa kanya eh kilala siya as dramatic actor? Kahit nakakakanta siya ay hindi rin siya ubra sa musical shows. Sa comedy naman parang hindi rin bagay. Hindi rin siya kagalingan sa pagho-host. Mas maganda siguro tulad rin ni Piolo huwag muna sila magsalita nang ganyan baka hindi naman mapanindigan.

At kung totohanan naman nila eh sino na ang magiging bagong John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Jericho Rosales? Parang ang aga naman para magpaalam sila sa larangan na sobra silang nakilala at minahal ng publiko. Ang nakikilala lang ngayon na magaling umarte talaga sa mga kabataan ay sina Joshua Garcia at Daniel Padilla.

Sayang naman kung seseryosohin ito ni Echo kasi dahil sa teleserye ay nakilala siya sa Asian countries. Sino ang susunod sa yapak niya na puwedeng makilala sa ating mga karatig bansa? Sana huwag muna. Masyado pang maaga sa totoo lang para iwan niya ang paggawa ng teleserye. Kailangan pa ang isang tulad niya sa mga ganitong panoorin.

MILDRED A. BACUD: Kung magku-quit si Jericho sa teleserye, anong show naman ang bagay sa kanya? Nag-try siya on his singing career, wala namang nangyari although may ilang kanta siyang tumatak like “Pusong Ligaw.” Pero ang ending, bumalik din naman siya sa serye.

Alam naman natin mga friend ayon din sa mga bosses at executives ng Kapamilya network, in demand sa ibang bansa ang mga serye ni Echo. Kapag daw may serye kung saan siya ang bida, ito agad ang binibili sa ibang bansa. Nagsimula pa since Pangako Sa ‘Yo days. Kahit pa sabihin na may mga bago nang mga artista, iba pa rin ang husay ng isang Jericho Rosales lalo na sa drama.

Pero kung gusto nang magpahinga ng aktor sa serye, baka naman burnt out na rin siya tulad nina John Lloyd at Piolo. Dumarating raw talaga ang puntong ito sa mga artista. Napapagod, nagsasawa at gusto na lamang ng hinay-hinay na schedule. Baka rin naman gusto na niyang magkaanak sa kanyang asawa kaya dapat magpahinga.

Pero sana maisip din ni Echo na ang success ng “Halik” ay nangangahulugan lamang na hindi pa siya laos at patuloy na sinusubaybayan.

RONA AVECILLA: Nakakalungkot na isa-isa nang umaalis sa spotlight ang mga batikang aktor natin. Nagsimula kay John Lloyd na halos dalawang taon ding nagpahinga sa showbiz. Tapos ngayon ay si Papa P at Jericho naman ang nagbabalak tahakin ang ibang landas sa showbiz.

Siguro ganoon talaga kapag batikang aktor ka na, gusto mong lume­vel-up pa at ma-experience ang maging bahagi sa likod ng kamera.

Marami ang malulungkot at makaka-miss kay Jericho sa mga teleserye. Lalo na kapag sinabing Jericho Rosales ay markado ang galing niya sa pag-arte. Walang basta-bastang makakapalit sa isang Jericho Rosales sa oras na tuluyan na niyang iwan ang teleserye.

Well, marami ang umaasa, including me, na sana ay magbago ang isip niya dahil we want more Jericho Rosales, gabi-gabi. Pero siyempre kung ang bumuo ng pamilya kasama ang kanyang asawa ay happy kami para sa kanya.