Abante Tonite Interactive

‘Most wanted person’ sa Floridablanca, huli

By
21

Isang 26-anyos na binata na top 1 sa most wante­d person sa munisipalidad ng Floridablanca­ ang nadakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation­ sa Brgy. Poblacion, Floridablanca, Pampang­a kahapon­.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si Jenno­ Manuel y Manalang ng Purok 3, Brgy. Solib, Floridablanca­ na nakadenite ngayon matapos makorner dahil sa kasong rape na kanyang kinakaharap.

Nabatid na tinugis ng awtoridad sa bisa ng warran­t of arrest na ipinalabas ni Judge Jonel S. Mercado ng Branch 52 ng Guagua Regional Tria­l Court (RTC) ang suspek dahil sa kasong rape na kanyang kinakaharap na walang inirekomendang piyansa.

Hindi na pumalag ang suspek na si Manuel nang dakpin siya matapos niyang pagtaguan ang kasong rape na kanyang kinakaharap.

Tiniyak ng Police Regional Office 3 (PRO3) na patuloy ang kanilang isasagawang pagtugis sa mga wanted person sa rehiyon bilang bahagi ng kanilang kampanya para masakote ang mga kriminal na tinatakbuhan ang batas.