Abante Tonite Interactive

Wanted sa California, nasakote sa Tarlac

474

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang convicted American national na wanted sa mga federal authority ng California dahil sa paglabag sa kanyang parole sa pamamagitan ng pagtakas sa Pilipinas.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) chief Bobby Raquepo, kinilala ang pugante na si Ricky Masanque Sanchez, 44, na nahuli noong Huwebes sa kanyang tinitirhan sa Romulo Road, Brgy. San Vicente, Tarlac City.

Hinuli ang dayuhan sa bisa ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente dahil na rin sa kahilingan ng US Embassy.

Nabatid na isang superior court sa Santa Clara, California ang nag-utos na muling arestuhin si Sanchez noong Setyembre 2017 matapos makumpirma na tumakbo ito ng Pilipinas. (Mina Aquino)