Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted sa droga timbog

0 74

Arestado kahapon ng mga operatiba ng pulisya ang isang 18-anyos na delivery boy na kabilang sa 32 most wanted person sa district level ng Manila Police District.

Kinilala ni Major Cicero Pura ng Manila Police District-District Special Operations Unit ang suspek na si Kim Russel Laca na taga-Sta. Ana, Maynila.

Dakong ala-una nang hapon nang maispatan ng mga pulis ang suspek sa harap ng Manila City Hall.

Dinakip umano ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Mariesther Vedaña ng Manila Regional Trial Court para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 o pag-iingat ng ilegal na droga.

Sa arrest warrant na may petsang Abril 25, 2022 walang inirekomendang piyansa ang hukom at inutos na dalhin ang suspek sa korte sa sandaling masakote ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.