Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted sa panghahalay timbog

0 221

Bumagsak na rin sa bilangguan ang isang 44-anyos na lalaking `most wanted person’ umano sa Romblon dahil sa kasong rape matapos damputin ng mga operatiba ng pulisya sa bisa ng arrest warrant sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Arthur Garachico, tubong Romblon at residente ng Brgy. Batasan Hills, QC.

Inaresto siya ng mga pulis bandang alas-4:45 ng hapon noong Biyernes, Mayo 21, sa kanyang bahay.

Nabatid na may arrest warrant laban kay Garachico para sa kasong rape na inisyu ni Executive Judge Ramiro Geronimo ng Regional Trial Court Branch 81 ng Fourth Judicial Region sa Romblon.

Walang nirekomendang piyansa para kay Garachico na kasalukuyan nang nakakulong sa Quezon City Police District-Station 6. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.