Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted sa Sorsogon hinawla

0 289

Naaresto ng mga awtoridad sa Barangay Batasan Hills, Quezon City ang isang lalaking itinuturing na No. 3 most wanted person sa kasong rape ng Gubat Municipal Police Station sa Sorsogon, Miyerkoles.

Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Victor Espeña, 42, may postal address sa Brgy. Gubat.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, nang maaresto nila ang suspek sa Violago Homes Subdivision, Barangay Batasan Hills.

SM food to go Banner Ad

Nakatanggap ng tip ang awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya agad silang nagkasa ng operasyon.

Hindi na umano nakapalag pa si Yarra nang isilbi ng mga pulis sa kanya ang warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Marion Jacquline Poblete.

Nakapiit na ang suspek at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang paglaya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.