Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted sa tinumbang broadcaster nag-NPA

0 56

SUMANIB sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army ang sinasabing utak sa likod ng pagpatay sa Kidapawan City radio broadcaster noong Hulyo para maiwasan ang mga umaaresto kanya, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sinabi ng PTFoMS na ang suspek na si Dante Encarnacion Tabusares alyas Bong Encarnacion ay nagpamiyembro sa rebeldeng grupo.

“A desperate attempt to evade justice for the killing of Brigada News FM-Kidapawan station manager Eduardo Sanchez Dizon,” saad ng PTFoMS.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng PTFoMS na ito ay ang verified report na nakuha nila mula sa Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ni Captain Jonathan Zata, chief ng public affairs office.

Sa report ng AFP, si Tabusares ay nagbibigay ng mga broadcast communist propaganda sa dati niyang programa sa isang local FM station.

“Our suspicion has been confirmed. We received reports earlier this year that Encarnacion had joined the NPA as quickly as the warrant of arrest against him came out,” sinabi ni PTFoMS executive director Joey Sy Egco. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.