Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wanted tsugi sa pulis

0 212

Patay ang isang 37-anyos na sinasabing Top 7 most wanted person sa regional level ng NCRPO nang makipagpalitan umano ng putok sa awtoridad habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya sa Naic, Cavite nitong Huwebes.

Kinilala ang ang suspek na si Romeo Panesa, alyas ‘Boyet’ ng Brgy. Malainen Bago, Naic, umano’y lider ng Panesa crime group na nag-o-operate sa NCR at mga karatig-lalawigan.

Sa ulat ni P/SSg. Anthony Macario ng Naic Police Station, dakong alas-4:25 kamakalawa ng hapon nang isilbi ng mga operatiba ng DSOU at Naic Police Station ang warrant of arrest na insiyu ni Judge Carolina Icasiano-Sison ng RTC Branch 18 Manila sa kasong murder laban sa suspek.

Pero habang isinisilbi ay pumalag umano si Boyet at namaril kaya nagpaputok din ang awtoridad na nagresulta sa kamatayan ng nauna.

Nakuha umano mula sa kanyang pag-iingat ang isang magnum caliber 38. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.