Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wantusawa sa toma, bumulagta

0 98

NAMATAY habang ginagamot sa ospital ang isang binata nang kinumbulsiyon at nawalan ng malay matapos na halos walong oras na mag-iinom ng alak sa Bacoor City, Cavite Linggo ng umaga.

Naisugod pa sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Noel Tablang y Barawid, 21, isang welder pero binawian din ng buhay.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, ayon na rin sa pinsan ng biktima na si Jayve Picardal y Tablang, 22, alas-8:00 Sabado ng gabi nang nagsimula silang nag-inuman kasama ang dalawa pang katrabaho hanggang inabot ng alas-4:00 kinabukasan ng madaling araw sa loob ng construction site sa Tiroma Highway cor Daang Bukid, Habay 1, Bacoor City Cavite.

Pagsapit ng alas-4:10 ng madaling araw ay kinumbulsiyon hanggang sa nawalan ng malay ang biktima kaya agad na isinugod sa ospital subalit dakong alas -4:42 ng madaling araw ay idineklara itong patay.

Nagsasagawa pa ng awtopsiya para malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.