Abante Tonite Interactive

`War council’ sa DOH hinirit ni Legarda

332

Iginiit ni House Deputy Speaker Loren Legarda sa pamunuan ng Department of Health (DOH) na bumuo ng `war council’ para makagawa ng mga konkretong plano sa gitna ng health crisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Legarda na dapat bumuo si Health Secretary Francisco Duque III ng war council na ang mga magiging miyembro ay ang kalihim kasama ang mga dating DOH chief, mga infectious disease specialist at mga pulmonologist.

Kailangan aniyang magabayan ng mabuti si Duque sa gitna ng mga kontrobersiya laban sa liderato nito hinggil sa red tape partikular sa donasyon ng mga medical supply at test kit para sa COVID-19 crisis.

Iginiit pa ni Legarda kay Duque na dapat makatanggap ng todong suporta ang grupo ng mga scientist mula sa University of the Philippines (UP) na pinamumunuan ni Dr. Raul Destura para sa ginawa nilang test kit na dapat magamit na.

Ang grupo ni Desturam deputy executive director ng Philippine Genome Center, ang naka-develop ng GenAmplify™ COVID-19 rRT-PCR Detection Ki. Ito ang unang locally made PCR based (polymerase chain reaction) COVID-19 test kit na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Aniya, dapat pasalamatan ang grupo ni Destura at ang iba pang local scientist at mga researcher dahil sa kanilang low-cost technology para kontrolin ang mga infectious virus.

“These breakthroughs signify the importance of supporting research initiatives of our State Universities and Colleges and implementing agencies,” ayon kay Legarda.(JC Cahinhinan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad