Abante Tonite
Mabilis sa Balita

War freak na korporal, viral

0 65

Naaresto na ng mga awtoridad ang kabaro nilang pulis na nanutok ng baril at nagwala sa lugar ng binabalikan niyang ex-gf sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City kamakailan.

Ang mga biktima ay sina Shaun Anthony Dolor, 43, may-asawa, I.T. Practitioner, at Catherine Bojo Mojica, 37, may-asawa, kapwa taga-Diego Silang St., Brgy. Pasong Tamo, QC.

Ang suspek na pulis ay si PCPL Wesley Hernandez, nakatalaga sa Holy Spirit Police Station ng Quezon City Police District.

Sa naantalang report ng Criminal Investigation and Detection Unit, alas-8:45 noong April 29 nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PSSg Nido B Gevero Jr., ng CIDU, si Mojica at ang suspek na pulis na magkasintahan sa loob ng 2-taon ay nagtalo hanggang sa maghiwalay.
Sa reklamo ni Mojica, nasa loob siya ng kanilang tahanan nang lasing na dumating ang ex-bf niyang pulis at ibinato ang suot na helmet malapit sa kapatid niyang si Jennelyn habang nagwawala.
Kinunan ng video ang pag-eeskandalo ni Hernadez pero nang makita ay sumigaw ang pulis at nagsabing…“uubusin ko kayo, papatayin kita”.
Nagsumbong si Mojica sa live-in partner na si Dolor at kinompronta ang pulis pero tinutukan siya ng baril.

Sa labas ng bahay ay sumigaw pa umano ang pulis ng “papatayin kita” bago tumakas, na kalaunan ay nadakip. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.