Abante Tonite
Mabilis sa Balita

War freak na utol minartilyo sa ulo

0 105

Patay ang isang binata na nagwala sa kanilang bahay matapos itong pagpapaluin ng martilyo sa ulo ng kanyang kuya Huwebes ng gabi sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte.

Dead on arrival sa pinagsugurang pagamutan matapos ilang ulit na paluin ng martilyo sa ulo ang biktimang si Alberto Dagdagon Santiala, 29, walang trabaho.

Kusang loob namang sumuko ang suspek at kapatid nitong si Enofre Dagdagon Santiala, 39, binata, magsasaka, kapwa taga-Purok 2, Barangay Sibuloc.

Sa ulat ni Police Capt. Edwin Duco, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, naganap ang insidente alas- 7:20 ng gabi nang umuwing lasing ang biktima at nagsimulang magwala.

Kahit anong awat ng mga kaanak ay hindi nagpapigil ang biktima dahilan upang mapuno na ang nakakatandang kapatid nito, armado ng martilyo ay ilang ulit na pinukpok sa ulo ang biktima dahilan ng pagputok nito.

Sinubukan pang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit patay na ito nang idating doon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.