Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Warehouse puno ng puslit na gulay kinandado

0 159

Kinandado ng Sub Task Group on Economic Intelligence ang isang warehouse sa UNICAN Industrial Corp. sa Malabon City kahapon matapos matagpuan dito ang tatlong reefer container na may laman umanong smuggled na mga sibuyas, carrots, at broccoli na nagkakahalagang P4.7 milyon.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ininspeksiyon ang warehouse sa bisa ng Letter of Authority na inisyu ni Customs Commissioner Rey Guerrero sa kahilingan ni DTI Usec. Ruth Castelo base sa impormasyong nakalap ng subtask group.

SM food to go Banner Ad

Sinabi umano ng caretaker ng warehouse na isang taon nang nagdadala ng mga smuggled na gulay doon at regular na may dumarating na apat na reefer container sa bodega na may dalang puslit na gulay, na siya namang dinadala sa mga palengke gamit ang mga delivery van.

Batay sa DTI, inaresto ng mga pulis ang mga trabahador sa warehouse. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.