Abante Tonite Interactive

Warrant of arrest pinasususpinde ni Nicko

283

Naghain umano ng mosyon sa isang korte sa Taguig City ang abogado ni Nicko Falcis para ipagpaliban ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng mga kinakaharap na kasong isinampa ng aktres na si Kris Aquino.

Nabatid kay Atty. Regi Ponferrada, abogado ni Falcis, inihain nila ang omnibus motion sa Taguig Municipal Trial Court Branch 117 dahil ang nasabing korte ang nag-isyu ng kautusan sa mga awtoridad para arestuhin ang dating business partner ni Aquino.

“We filed an Omnibus Motion before Branch 117 of the Municipal Trial Court of Taguig City, wherein we prayed for leave of court to file a Motion for Preliminary Investigation, for suspension on the ground of existence of a prejudicial question in a civil case,” pahayag ni Ponferrada.

Iginiit ni Ponferrada na layunin din ng kanilang mosyon na ipagpaliban o bawiin ang warrant of arrest dahil sa kawalan ng probable cause.

Nabatid pa na naghain din sila ng katulad na omnibus motion sa Taguig RTC Branch 70.