Abante Tonite Interactive

Warriors binitbit ni Cook sa pagkawala ni Curry

By
342

Sa dulo ng nakaraang season, matikas na rumesponde si Quinn Cook nang mawala dahil sa knee at ankle injuries ang kamador ng Golden State na si Stephen Curry.

Ipinahinga ang two-time MVP dahil sa mild to moderate groin strain, umeksena ulit si Cook.

Iskor kay Cook, assists ni Curry naman ang inako ni Kevin Durant.

Namigay ng 11 feeds si Durant panahog sa 28 points, nagsumite ng season-high 27 si Cook at sumandal ang Warriors sa isa pang nakakangilong third quarter attack para takbuhan ang Brooklyn Nets, 116-100, Sabado ng gabi.

Pambawi sa off-night ng Splash Brother ni Curry na si Klay Thompson. Pasok ang apat sa unang limang bitaw ni Thompson pero tumapos ng 11-of-20.

“I just feel like Quinn thinks that he’s always supposed to be ready no matter what,” ani KD. “When his number is called he’s able to go out there and produce, and that’s just because of the work he puts every day.”

Walang sablay sa u­nang pitong tira si Quinn at pinantayan ang 19 points ni Durant sa first halt. Pasok din ang kanyang shot-clock-beating 19-footer sa third para ilayo ang Warriors, 103-81.

Wala rin si Draymond Green (foot) sa lineup ni Steve Kerr, pero sa pangunguna ni Durant ay nagawang putulin ang three-game winning streak ng Brooklyn. Naka­bawi rin ang Golden State sa 134-111 loss sa Milwaukee noong Huwebes.

May 13 points si Durant sa first quarter, nilista ang final six ng second, nanguna muli sa third nang ­lumayo hanggang 20 ang ­Warriors.