Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wasak: CarGel wala nang pag-asa

0 100

Ang daming na-shock sa pasabog ni Carlo Aquino kahapon sa kanyang Instagram account na may baby na sila ng girlfriend na si Trina Candaza na pinangalanan nilang Enola Mithi Aquino.

Sa larawang ipinost ni Carlo ay kalahati ng mukha ng baby ang makikita exposing her nose, eyes and brows.

“You can thank your stars all you want but Ill always be the lucky one. Enola Mithi Aquino @trinacandaza,” ang caption ni Carlo.

Ilang minuto pagkatapos itong ipost ng aktor ay nag-trending na agad siya sa Twitter at nagkagulo na ang mga fan. Of course, his supporters are happy for him at ipinahayag ang kanilang pagbati.

Ang ibang fans niya ay alam kung saan nakuha ng aktor ang pangalang “Mithi.”

Ayon sa kanila, Mithi raw ang pangalan ng love interest ni Carlo sa TV series na Pahina na ginampanan ni Diane dela Fuente.

Pati ang mga fan nila ni Angelica Panganiban (CarGel) ay natuwa para sa aktor pero hindi maiwasang ang karamihan sa kanila ay nagulat at nawasak ang puso lalo na nga ang mga umaasang magkakabalikan pa ang dalawa.

“Yung Cargel heart ko na-sad ng very light sa post ni Carlo Aquino of his baby Enola Mithi but welcome to parenthood crush,” tweet ng isang fan niya.

May fan naman na nagkomento na wala na talagang pag-asa ang CarGel heart nila and wishing na sana raw ay next na si Angelica.

Tweet naman ng isa pang CarGel supporter, “hoy pano mag move on? Punyeta! 21 years ko kayong naiship! Kahit imposible na kapit parin ako. Pero ngayon wala na talagang CarGel. Di bale asa nalang ako na sa next life nyo, magkakatuluyan na kayo. Mahal ko kayo Carlo Aquino and Angelica Panganiban. My Junjun and Jelai.”

Komento naman ng isang netizen, “may anak na si carlo aquino eto na ang matinding go signal para mag move on na cargel babies hahahahaha.”

Tweet pa ng isang CarGel fan, “Carlo Aquino is now a Dad? Aww. I’m happy for him, but my Cargel heart is brokennnn.”

May mga nabasa rin kaming nagtatanong kung ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Angelica pero feeling naman namin ay okay lang ang aktres at happy naman siya siguro para kay Carlo the same way na naging happy naman siya for John Lloyd Cruz nang magkaroon ito ng anak kay Ellen Adarna.

Photo courtesy to Carlo Aquino Instagram

Leave A Reply

Your email address will not be published.