Abante Tonite Interactive

Waste-free SEA Games

229

“Let’s go for gold in terms of reduced garbage and pollution throughout the games.”

‘Yan ang panawagan ng environmental group na Eco­Waste Coalition sa gitna ng idinaraos na 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Kooperas­yon ang pakiusap ng grupo sa publiko para matiyak na mapapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lahat ng sports venues.

Ayon kay Jove Benosa, Zero Waste Campaigner, EcoWaste Coalition, “As host country for the biennial sporting event, let us show our esteemed guests and our own people that we care for our environment.”

Hanggang ngayon, trending online ang mga aberya sa SEAG. Mapalitan nawa ito ng good news sa pamamagitan ng maayos at malinis na sports venues. Tiyak akong babangong muli ang imahe natin sa international community kung magiging responsable ang bawat isa.

Huwag basta-basta magtapon o mag-iwan ng kung ano-anong basura sa alinmang sports venues sa Clark, Subic, Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ilagay ang basura sa tamang trash bins.

May sampung waste-prevention tips ang EcoWaste Coalition:
– Huwag magdala ng pagkain o inumin­ sa sports venue kung ipinagbabawal ang mga ito.

– Kung pinahihintulutan naman, sa reusa­ble containers ilagay ang pagkain para maiwasan ang single-use plastic at paper trash.

– Sa bulsa na lang muna ilagay ang candy wrappers hangga’t hindi pa nakakakita ng basurahan.

– Huwag basta itapon o idikit kung saan ang chewing gum.

– Iwasang magkalat ng tissue o wet wipes sa playing grounds.

– Huwag mag-iiwan ng basura sa bleachers.­

– Sundin ang “no smoking, no vaping at no spitting rule”.

– Iwasang gumamit ng cheering paraphernalia na gawa sa plastic.

– Huwag magsaboy ng confetti sa mga player.

– Kung magdiriwang, huwag magpalipad ng lobo o sky lanterns – kalat lang ‘yan pagbagsak muli sa lupa o dagat.

Ang sa akin lang, nagkaroon man ng mga pagkukulang sa ibang aspeto ng SEA Games, bawiin natin ito sa pagiging responsableng mamamayan. Taas-noo nating ipagmalaki sa buong mundo na malinis tayong mga Pilipino.