Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wastong paggasta ng 13th month pay

0 126

Tila nag-urong sulong ang Department of Labor and Employment noong isang linggo sa isyu ng pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.

Mismong si DOLE Secretary ang nagsabing posible itong ipagpaliban dahil hindi pa nakakabawi ang mga kumpanya sa epekto ng COVID-19 pandemic. Pero makalipas lang ang isang araw, agad niya itong binawi sabay sabing ‘mandatory’ ang pagbibigay ng 13th month pay dahil nakasaad ito sa saligang-batas.

Bukod sa sinasabing ‘subsidy’ na puwedeng ibigay ng gobyerno sa mga ‘distressed’ companies, bukas din ang Bankers Association of the Philippines o BAP na magpautang sa mga MSMEs o micro, small and medium enterprises na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Merry ang Pasko ng mga empleyado dahil sure na may matatanggap na 13th month pay mula sa kanilang mga employer. Ang tanong ngayon, paano ito gagastusin nang wasto?

Ilista kung ano ang mga prayoridad ngayong may pandemya. Huwag basta bili nang bili nang walang dahilan.

Kalusugan ng pamilya ang unahin. Kaya sikaping makabili ng masusustansyang pagkain para sa mga anak. Kung may extra budget, maglaan ng pera para sa hygiene kits gaya ng alcohol, sanitizer, face masks at face shields.

Dahil marami pa rin ang naka-work from home status, puwedeng mag-isip ng ibang mapagkakakitaan. Maaaring magsimula nang simpleng kainan o tindahan. Maglaan ng pera para sa maliit na negosyo. Sa ganitong paraan, unti-unting lalago ang bahagi ng 13th month pay.

Ang sa akin lang, huwag sanang maglahong parang bula ang 13th month pay. Alam kong baon tayo sa mga bayarin at maraming kailangang bilhin lalo na ngayong patuloy ang laban kontra COVID-19. Pero importante pa ring magtira kahit kaunti para may madudukot sa bulsa sa oras na kailanganin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.