Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Watanabe kakasa sa Indian

0 151

Tatangkain ni Kiyomi Watanabe at kapuwa 2020 Tokyo Olympic hopefuls na kambal na sina Keisei at Shugen Nakano na makasungkit ng kailangang puntos sa pagbubukas ng kanilang mga kampanya sa ikalawang araw ng Asia-Oceania Senior Judo Championships 2021 sa Bishkek, Kyrgyztan.

Bye sa first round ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Shugen, 24, patungo sa pakikipagpuno kay Yeldos Zhumakanov ng Kazakshtan sa Pool B ng men’s 66kg category, habang lalaban ni Keisei sa Pool A ng men’s -73kg si Sulaiman Hamad ng Saudi Arabia sa round-of-16.

Toka kay Watanabe sa Pool B ng women’s -63kg category si Indian Unnati Sharma. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.