Abante Tonite Interactive

Watanabe kakatok ulit sa Olympics

270

Abot kamay na ni Pilipino-Japanese Kiyomi Watanabe ang puwesto bilang pangunahing babaeng judoka ng bansa na muling mag-qualify para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Nabatid Martes kay Philippine Judo Federation President David Carter, na ang tanging mangungunang 26 judokas sa world rankings weight class ang mga magbabalibagan sa Tokyo Olympiad.

World ranked No. 13 si Watanabe sa International Jujdo Federation women’s -63kgs. at kinakailangang magsasali sa natitirang Olympic qualifying tournaments upang makapitan ang ranking.

Ipinaliwanag ni Carter, na mataas ang tsansa ni Watanabe na direktang magkuwalipika sa susunod na taong Summer Games dahil ilang bansa ang may mahigit sa isang judoka ang top 26 ng women’s 63kg.

Kada bansa ay isa lang ang dapat maging pambato sa weight class ng Olympics.

Hinalimbawa ni Carter ang Japan na may apat na judoka sa top 26 habang ang Britain ay may tatlo, habang ang iba gaya ng Netherlands, Slovenia, China at Brazil may mahigit sa isang nasa rankings.

Nakatakda pa si Watanabe na lumaban sa Osaka World Championships sa susunod na buwan bago magtungo dito para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11, ang huling Olympic qualifying para sa taon.

Sasagupa pa si Watanabe sa tatlong qualifying tournaments sa sunod na taon bago ang cut off sa Hulyo IJF sa rankings. (Lito Oredo)