Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Watanabe manggugulat

0 93

Kumpiyansa ang Philippine Judo Federation (PJF) na makakapanorpresa tulad sa sa 2018 Indonesia Asian Games si Kiyomi Watanabe sa 32nd Tokyo Olympics sa Tokyo sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

Ayon kay PJF president David Carter na isa sa mga dumalo sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes, nakatuon ang 24-anyos na Pinay-Japanese judoka na makamedalya mula sa silver sa Asiad women’s -63 kg class.

“Kagaya lang din nu’ng lumaban siya ng Asian Games nu’ng nakaraan. It happened. She defeated Korea and the others na nandun sa bracket niya. Kaya anything is possible talaga,” wika ng opisyal sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

SM food to go Banner Ad

Pinalakas ang online airing nito ng Smart kasama ang Upstream Media sbilang official webcast partner.

“Lahat possible. Hindi natin nililimitahan ang kakayanan ng ating manlalaro. Malakas siyang player, pati ang puso niya. Talagang fighter.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.