Abante Tonite Interactive

Watawat ng China sa Luneta

433

Kaye Dacer

Bago matapos ang taon ay magreretiro na si PNP Chief Oscar Albayalde.

Kaya naman noong nakaraang buwan ay very vocal ang opisyal sa pagbanggit ng mga napipisil niyang ma­ging kapalit niya sa puwesto.

Kabilang sa mga ito ay sina PLtGen. Archie Gamboa, deputy chief for operations; PLtGen Camilo Cascolan, directorial staff chief; at si PMGen Guillerm­o Eleazar, NCRPO director.

Basehan sa pagpili ni Gen. Albayalde sa mga inanunsyo niyang pangalan ay ang seniority at performance ng mga opisyal. Well, sang-ayon tayo sa sinasabing performance based at seniority ang basehan.

Ayaw nating ma­ging bias pero kung pagbabasehan ang dalawang panuntunan swak na swak dito si Gen. Eleazar.

Napaka-workaholic ni Gen. Eleazar katulad ni Gen. Albayalde at Senator-elect Ro­nald ‘Bato’ dela Rosa na mukhang walang pinipiling oras sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

***
Naging tampok ng usapan nakaraang linggo ang lumabas sa social media partikular sa Facebook na mga litrato at commentary tungkol sa ilang vendors na nagbebenta ng maliliit na watawat ng China sa Luneta sa harap ng monumento ni Dr. Jose Rizal.

Mararamdaman ang galit ng nag-post ng mga litrato na nagsabing nakaka-insulto ang pagbebenta ng watawat na nakakabit sa mga patpat na iwinawagayway sa mga motorista na inaalok kasabay ng nalalapit na Independence Day celebration sa Hunyo 12.

True naman wala sa lugar ang pagbebenta ng watawat ng China lalo na sa linggo ng Independence Day.

Kaya nga lamang nang busisiin nakita sa CCTV came­ra sa Luneta ang tatlong kalalakihang nasa akto na tila ay binabayaran ang ilang tao, kababaihan at kabataan, para ilako ang mga watawat ng China at kinukunan ng litrato itong mga hawak-hawak ang mga watawat sa patpat na mga ito.

Ang mga kalalakihang nagbibigay ng tila pera at nagpapabenta ng mga watawat ng China sa patpat ay makikisig at pormang militar.

Ayokong mag-isip ng masama pero hindi kaya ito may kaugnayan sa isang party-list group na magaling sa propaganda?

Para makasiguro tayo ay hintayin na lamang natin ang buong imbestigasyon ng Parks and Wildlife authorities na sinasabing nakakita ng senaryo.

Ang walang duda na totoo ay mayroong mga elemento na desididong masira ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China na nagbubunga na napakaraming mga biyaya sa bayan.

Sa ganang akin sa modernong panahon, hindi maiiwasan na dahil magkakapit-bansa lang ang China at `Pinas sa Asya at mapayapa ang pakikipagtungo ng dalawang bansa, umuusbong ang trade sa pagitan ng dalawa, talaga mas malaki na ngayon ang benepisyo ng China sa `Pinas.