Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Watchlist vs mga exec sa PhilHealth scam

0 47

Kinatigan ng Malacañang ang mungkahi ng isang kongresista na dapat maging maagap ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga pinakakasuhang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil sa posibilidad na sumibat ang mga ito palabas ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sang-ayon ito sa mungkahi ni Congressman Bernadette Herrera-Dy na dapat ilagay sa watch list ang mga opisyal at dating Philhealth officials na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sampahan ng patong-patong na kaso sa korte.

Bukod pa rito ang mungkahing maglabas agad ang korte ng hold departure order para hindi makapuslit o makatakas ang mga pinapanagot na Philhealth officials.

“One hundred percent in agreement,” ang maiksing sagot ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.