Abante Tonite Interactive

Watson, Tiu, Yap uminit; RoS angat sa NorthPort

By
237

Nagpaulan ng 3-pointers sa Cuneta Astrodome ang Rain or Shine para lunurin ang NorthPort 120-98 Miyerkoles ng gabi.

Inumpisahan ni James Yap ang arangkada sa 3 for 4 shooting mula long range sa first quarter, nagtuloy ang Elasto Painters para maglista ng kabuuang 18 for 40 sa labas ng arc.

Tumapos si Yap ng 20 points, 6 for 7 sa downtown.

Bumomba si Chris Tiu ng 4 for 7 sa 3s tungo sa career-high 23 points. Si Beau Belga ay perpektong 5 for 5 sa rainbow country tungo sa 21 points na sinahugan pa ng 12 rebounds para sa Rain or Shine, kinubra ang back-to-back wins matapos umpisahan sa four straight losses ang PBA Governors Cup.

Sa tikas ng locals ni coach Caloy Garcia, hindi na kinailangang kumayod nang todo si import Terrence Watson na may 21 points.

Dumausdos sa 2-7 ang Batang Pier na pinangunahan ng 30 points ni Rashad Woods.

Nagpundar ng 63-43 lead sa break ang Elasto Painters, lumayo pa sa 90-71 sa fourth, pero sa 9 straight points ni Woods ay ibinaba ng Batang Pier sa 98-90. Sumagot ng 3 si Yap na sinundan ng drive at turnaround jumper ni Tiu para mu­ling iagwat ang team sa 105-92 higit 4 minutes pa sa laro.