Abante Tonite Interactive

‘Wattah Wattah’ Festival, tipid-tubig sa San Juan

621

Tuloy pa rin ang basaan, pero konting tubig na lang! Ito ang magiging eksena sa magaganap na Wattah! Wattah! Festival sa San Juan na ipagdiriwang sa Hunyo 24.

Dahil sa kakulungan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila, titipirin muna ang mangyayaring basaan bilang pagdiriwang ng pista ng patron saint ng San Juan, St. John the Baptist.

Ayon sa kautusan ni San Juan Mayor Guia Gomez, water conservation muna ang mangyayari sa kanilang pagdiriwang ng kapistahan pero tuloy pa rin ang basaan at kasiyahan.

Abante Hiring – IT dep

Maglalaan lamang ang lungsod ng 16 fire truck na gagamitin sa basaan na kung saan ay umabot ng 50 fire truck ang nagagamit nila noong nakaraang taon.

Ayon kay Dante Santiago, hepe ng San Juan City Environment & Natural Resources Office, “Magdidiwang pa rin tayo ng basaan pero magi­ging responsable sa paggamit ng tubig.”

Ang Wattah! Wattah! Festival ay sinimulan kasabay ng World Environment Day noong Hunyo 7 habang ang grand weekend ay magaganap sa Biyernes, Hunyo 21 at magaganap sa Lunes, Hunyo 24 ang Wattah! Wattah! kasabay ang mga waterways and river clean-up program, water caravan, at tree planting.

Samantala, kasado naman ang San Juan City Police sa pagsasagawa ng monitoring at police visi­bility sa lahat ng barangay sa siyudad na kung saan nasa 50 kapulisan mula sa Eastern Police District ang itatalaga. (Vick Aquino)