Abante Tonite Interactive

Waxing vs coating

0 258

Ang bihis at linis ng awto ay sumasalamin sa pagkatao ng nagmamay-ari nito.

Hindi ko malimutan ang linyang ‘yan ng isang kaibigan sa aming umpukan noong pana­hong ako ay bago pa lamang sa larangan ng pag-aawto.

Kaya nga ba mula noon, naging ugali ko na ring panatilihing malinis, makintab at mukhang laging punas ang aking mga nagiging sasakyan.

Dalawa ang paraan para mapakintab o mapanatili ang natural na kulay ng isang sasakyan, ang mga ito ay sa pamamagitan ng wax o o top coating.

Medyo mabusisi ang proseso ng wax dahil kailangan mong ikonsidera ang kulay ng sasakyan, kung hindi ba ito tatapang o puputla pagkatapos.

Bukod dito, kung hindi masyadong magaling ang nagwa-wax ay marami pa ring mga naiiwang puti-puti sa mga ­singit ng panel at iba pang lugar na hindi maabot ng basahan para mapunasan.

‘Yun nga lamang, habang pinapa-wax mo ang iyong sasakyan ay puwede mo na itong hintayin at agarang imaneho pagkatapos, huwag lamang uulan para hindi masayang ang ibinayad o pagod.

Sakali mang mabasa at madumihan ang awto na bagong wax, paliguan lamang ito ng malinis na tubig at huwag nang sabunin, punasan lamang ng maigi para hindi mawala agad ang kintab.

Sa coating naman, kailangan na iwanan ang awto sa shop dahil ang proseso nito ay hindi naman nalalayo sa pagpipintura.

Mistulang pipinturahan din kasi ang awto pero ang gagamitin ay clear paint na makin­tab at kailangan munang patuyuin bago magamit.

Mas mahal siya sa wax pero ang iiwasan mo lamang ay magasgasan o magurlisan, hindi siya maselan sa sabon at matapos na punasan ay talaga namang wagas ang kintab.

Pero nasa may-ari pa rin ‘yan kung ano ang gusto niya, kung wax na mabilis o coating na medyo matagal na ‘di magagamit ang awto at mas mahal ang badyet.

Ayos ba?