Abante Tonite Interactive

Webb sinabihang bobo sa pagpatol kay Digong

676

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang post sa Twitter ni Jason Webb tungkol sa suporta niya sa national athletes.

May sumuporta at kumontra sa Magnolia Hotshots assistant coach.

“I plan to cheer for our national athletes even if their chances of winning may be slim,” ani Webb. “I also have no plans of cheering for a country stealing our land from us. Mabuhay ang atletang Pinoy!” aniya nitong Miyerkoles.

Sagot ng isa: “Alam mo patola ka. No wonder napalitan ka kaagad as coach kasi obob ka. Panalo na natalo pa. Mga katulad mo ang mga gustong kausap ni PRRD. Mabuti pa si coach Yeng alam niya ibig sabihin nun. Patola.”
Pumatol nga ba sa isyu si Webb?

Sa isang ulat, na-quote ang Presidente Martes na sinabing pumusta na lang sa China sa FIBA World Cup.

“Ang sabi bet ‘di cheer. Bet, sa Tagalog, pusta,” sagot naman ng isa Huwebes.

May mga nagpayo na pabayaan na lang kung ano ang binitawang salita.
“No matter how small the chances are, #Team Pilipinas pa din. One with you on this coach!” parating naman ng isa, nilagyan ng #PUSO at #LabanPilipinas.

“It is not all about winning sometimes, what matters is how you fight for it, how you stand up and get better game after game. Solid ako sa Gilas Pilipinas,” pahabol pa niya.

Sa reaksyon ni Guiao, tinuring niya na ang pahayag ng Punong Ehekutibo, kasama ang kawalang tsansa sa Italy at Croatia sa laban ng Nationals World Cup, na hamon sa kanila iyon para makapagpakita ng husay. (Vladi Eduarte)