Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Website ng 3 university, na-hack

0 669

Inatake ng grupong Phantom Troupe ang website ng tatlong unibersidad na kinabibilangan ng Mariano Marcos State University, Davao Del Norte State College at Naga Adventist College.

Napasok ng hackers ang database ng mga paaralan at na-access ang mahahalagang datos ng mga guro at estudyante tulad ng email at passwords, pati na ang listahan ng mga grado.

Trip-trip lang at walang paki ang Phantom Troupe sa anumang epekto sa kanilang biktima dahil ang turing nila sa kanilang mga sarili’y gray hats, hackers.

Nito lang nakaraang linggo ay hinack ng Phantom Troupe ang website ng kongreso na agad namang naayos.

Matagal nang nananawagan ang National Privacy Commission sa mga paaralan na paigtingin ang security ng kanilang information technology systems lalo na ngayong wala munang face-to-face na mga klase. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.