Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Weder maaliwalas sa eleksyon – Pagasa

0 49

Makakaasa ng maaliwalas na panahon ang buong bansa sa araw ng eleksyon sa Mayo 9, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA).

Ayon kay Pagasa weather forecaster Ana Clauren-Jorda, walang namo-monitor na anumang sama ng panahon ang Pagasa hanggang sa susunod na linggo kaya asahan ang maayos na panahon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mataas lamang po yung tsansa ng mga pag-ulan po natin sa bahagi ng Mindanao, pero overall sa umaga ay magiging maganda at maaliwalas naman po ang ating panahon sa buong bansa,” paliwanag ni Jorda.

Ito ang kauna-unahang boboto ang mga Filipino na nasa ilalim ng pandemic ang buong bansa, mandatory ang pagsusuot ng face masks sa mga polling precincts. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.