Abante Tonite Interactive

‘Weeping River’ bet ng mga kritiko

22

PMPC Star Awards na lang at tapos na officially ang Philippine entertainment awards season.

Hindi sure ang diva that you love kung may FAMAS at Luna Awards pa. Mananalig ba tayo na kaya pa nila?

Huwag na kayong umasa, lalo na sa Golden Screen Awards na Entertainment Press Society ang nagpapamigay dati.

Lost in space, lost in emotion at lost in space na sila. Tuwing Christmas season lamang sila buhay.

Tapos na ang Eddys, na ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) ang may pakana.

Apat na dekada na ang Urian na kumikilos ayon sa kanilang ganda at pribelihiyong magsuplada.

Ang dalawang nagbi­gay ng mga pangaral, may tunay na pagkakapareho at pagkakaiba.

Sa kanilang best picture winners, ang Lav Diaz’s Ang Babaeng Humayo para sa Eddys at sa Manunuri, Sheron Dayoc’s Women of the Weeping River.

Puwede mong sabihing ang dalawang best picture winners, “sila-sila” at mangilan-ngilan lang talaga ang nanood.

Hindi major box-office drawers pero parehong may critical acclaim at may strong word of mouth mula sa cineaste at to those who know better when it comes to what Fili­pino films to watch.

Ang Weeping River ni Dayoc, may special screening sa 13th Cinemalaya.

Panoorin ninyo ito, my dear readers, para mapagtanto nating lahat kung bakit siya ang major, major winner para sa mga kritiko.

Sa grupo ng editors, si Vilma Santos ang pinakamahusay na aktres para sa pelikulang Everything About Her.

Sa mga akademisyan, dalubguro, at kritiko, Natatanging Gawad Urian ang iginawad nila sa Star of All Seasons.

Si Ate V, ang may pinakamaraming pinanalunan at inuwing Urian best actress trophy. Walo na ito.

Ang pinakamahigpit niyang karibal, pito para kay Nora Aunor.
Tabla sina Gina Alajar at Jaclyn Jose na may tigtatlong tropeo.

Si Cherry Pie Picache, dalawa na ang Urian niya.

The WHO no more na si Hasmine Killip na wagi bilang pinakamahusay na aktres sa Pamilya Ordinaryo.

Hindi lang sa Pilipinas nagwawagi si Killip. May mga international best actress awards din ito.

Pareho ang pihikang panlasa ng Eddys at Urian para sa Best Actor, si Paolo Ballesteros para sa Die Beautiful.

In full kabogera at drag queen mode si Paolo sa Urian.

Rumampa siya at nagmaganda bilang pagkaganda-gandang Trisha Echevarria.
Pareho ang Eddys at Urian na mahilig sa mga aktor portraying a pink character.

Sa kategoryang pangalawang pinakamahusay na aktor, diwata si John Lloyd Cruz sa Humayo at sirenang make up artist at best friend ni Trisha si Christian Bables sa Beautiful.
Much-deserved win at validation for Bables ang kanyang Urian victory.

Sa kategoryang pangalawang pinakamahusay na aktres, wagi si Angel Locsin sa Everything.

Sa nag-viktoria sa Urian, sabay-sabay ang madlang pipol na napa- “The WHO?” dahil big­lang naging The WHO No More ang relatively unknown na si Sharifa Pearlsia Ali-Dans na kasama sa Weeping Women.

Sa Best Documentary, nagkasundo muli ang the Eddys at Urian. Ibinigay nila ang karangalan sa Sunday Beauty Queen.

Magkaiba ang set of winners nila para sa writing at mga technical awards.

Sa Eddys, niciest touch ang posthumous award na ginawad nila para sa screenplay writer/legend Jake Tordesillas na tinanggap ni Direk Maryo J. de los Reyes at sister nito.

Direk Maryo is a long-time artistic at creative collaborator of the late Tordesillas.

Nicest touch naman na sa Urian na si Christopher de Leon, favorite leading man ni Vilma, ang presenter sa Lifetime AchievementAward segment.

At first glance and read, popular at safe choices ang mga nagtagumpay sa Eddys.
Dyed in the wool picks ang honor rolls na ipi­namahagi ng mga taga-Urian.

Ano kayang surprises ang mangyayari sa PMPC Star Awards for Movies?