Abante Tonite Interactive

Wei ginimbal si Schooling

291

Niyanig ni Teong Tzen Wei si 2016 Rio de Janeiro Olympics 100m butterfly champion, Asian record holder at SEA Games defending champion Joseph Schooling sa 50m fly upang maka­gintong medalya sa PH 30th SEA Games 2019 swimming ­Huwebes sa NCC Athletics Center sa Capas, Tarlac.

Highlight sa career ni Wei ang upset win sa kapwa Singaporean lalo’t nasa ikalawa pa lang niyang laro sa biennial meet sa bisa ng tiyempong 23:55 laban sa 23:61 ng decorated teammate.

Maaalalang si Schooling ang nagwagi sa Malaysia 2017 SEAG 50M fly sa record-breaking perfomance na 23.06 seconds. (AE)