Abante Tonite Interactive

Weight loss journey ni Mega ibinahagi

269

By Athena Yap

Maraming Pilipino ang malulusog na na­ngangarap na mabawasan ang kanilang timbang. Kadalasan pa nga ay may ‘goals’ pa kung ilan ang timbang ang nais nilang makamtan.

Tulad na lamang ni Megastar Sharon Cuneta na ‘dream come true’ para sa kanya ang ma­laking bawas sa kanyang timbang.

Ibinida nga ng batikang aktres sa kanyang social media ang kanyang weight loss journey kamakailan. Bilang patunay sa kanyang hard work sa pagpapapayat, ibinahagi niya ang litrato ng kanyang before and after results.

Maraming kaibigan ang humanga sa determinasyon ni Sharon na na-achieve nga talaga ang magandang katawan sa edad na 53-anyos.

Nagsimula ang weight loss journey ng seasoned actress noong 2016 at noong 2018 nga ay nagpakita ito ng progress sa kanyang pagpapapayat na bumulaga sa kanyang mga fan.

Marami ang na-inspire sa ginawa ni Sharon, na kahit pala ay lagpas na sa kalendaryo ang edad ay posible pa ring maging healthy and fit ang katawan.

Importante naman talaga ang kalusugan, mahalaga ang pagpapa-payat hindi lamang para sa pisikal na anyo kung hindi para din sa well-being habang nagkaka-edad.

Masarap talagang kumain pero hindi ba’t mas masarap mabuhay ng healthy ang katawan? Lingid kasi sa kaalaman ng nakararami na minsan sa sob­rang sarap kumain ay kulang naman pala sa nutrisyon ang pumapasok sa loob ng katawan, mahalaga pa rin talaga ang balanseng pagkain.