Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Weightlifting gym ipapangalan kay Diaz

0 103

Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpapalit ng pangalan ng ilang piling sports facilities nito sa mga sports heroes bilang pagkilala sa ibinigay na karangalan sa bansa.

Ilan sa mga sports heroes na kikilalanin sa isasagawang pagbabago ay ang enshrined Philippine Sports Hall of Famers, habang kaiba ang kay Hidilyn Diaz na nagtala ng naiibang marka sa kasaysayan ng Philippine sports bilang pinakaunang Olympic gold medalist at inaasahaan nang ipapangalan dito ang weightlifting gym sa Rizal Memorial Sports Complex bilang Hidilyn Diaz Weightlifting Gym.

Inaprubahan din ng PSC Board ang pagpapalit pangalan sa Rizal Memorial Tennis Court bilang Felicisimo Ampon Tennis Court, ang RMSC Swimming Pool bilang Teofilo Yldefonso Swimming Pool, at ang Rizal Memorial Track Stadium bilang Simeon Toribio Track Stadium.

Ang orihinal na pinanglanan na PSC Multi-Purpose Gym na nasa loob ng Rizal Memorial Sports Complex ay ibinalik din sa dati nitong titulo.

“These athletes have given the honor to the country with their work in sports, we hope to keep their legacies alive for this and next generations. We want to pique the interest of the people who will read about or visit the facility. Who is Teofilo Yldefonso? What did Felicisimo Ampon do that this venue is named to him?” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez.

Ipinaliwanag ng PSC na unang hakbang lamang ito sa pagbibigay pangalan sa mga pasilidad sa sports heroes. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.