Abante Tonite Interactive

Welcome change

By
8

May kasabihan na ang gobyerno ang dapat luma­lapit sa tao para magbi­gay ng serbisyo-publiko. It should not be the other way around.

Well, let’s give credit where credit is due sa programa ng pamahalaan na bigyan ng tig-P20,000 na financial assistance ang mga OFW na stranded­ ngayon sa Saudi Arabia.

Kasama sa mga mabi­biyayaan iyong mga na-layoff sa trabaho sa mga kumpanyang tulad ng Saudi Oger na nag-downsize ng work force dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.

11,000 x P20,000

Hindi naman maliit na pera lang ang involved dito dahil may 11,000 OFW­s ang stranded nga­yon sa Saudi, na ang marami ay hindi makauwi dahil may problema sa kanilang mga papeles.

May mga puwede ­namang umuwi pero aya­w pang umuwi dahil­ nagbabakasakaling makahanap ng kapalit na trabaho sa Saudi.

Kung anuman ang reason ng pagiging stranded ng 11,000 OFWs, good news para sa kanila na bukod sa P20,000 ay tatanggap naman ng tig-P6,000 ang kani-kanilang pamilya­ sa Pilipinas.

Walang makain

Ang mga tauhan ng POLO-OWWA sa Saudi­ ang nagsipunta sa kina­roroonan ng stranded OFWs­ upang makapag-fill up sila ng forms.

Tama lang na ang POLO-OWWA ang pumunta sa camp site ng mga OFW­s dahil marami sa kanila ang wala nang makain at marahil ay wala­ nang pamasah­e na pumunta pa sa ating ­embahada o konsulada.

Iyan ‘yung sinasabi ­nating bringing the govern­ment to the people.

Luhaan

Ito yata ang unang pagkakataon na narinig­ natin na magkakaroon ng onsite financial assistance ang OWWA. Sa mga nakaraang adminis­trasyon kasi ay dedma lang halos ang OWWA­ sa ganitong mga problema ng stranded­ OFWs.

Marami ngang OFWs o ex-OFWs na sa mismong opisina ng OWWA sa Pilipinas nagpupunta pero pag-uwi ay luhaan.
We just hope na tuluy-tuloy na ang pagbabago na ito.

As an aside, dapat na ring isalang sa review ang financial standing ng OWWA upang mapanagot ang mga nagwaldas ng pondo nito, kung me­ron mang nangwaldas.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments.

Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa phone number 551-5163.