Abante Tonite Interactive

Wellmed Dialysis Center bantay-sarado ng QCPD

243

Nakabantay na ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa tanggapan ng Wellmed Dialysis Center and Laboratory Center Corp., kasunod ng utos ni Pangulong Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang mga opisyal nito kaugnay sa nabunyag na ghost patient scam.

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Joselito Esquivel, wala pa namang direktang utos sa kanila upang arestuhin ang mga opis­yal ng Wellmed na matatagpuan sa Quirino Highway sa Novaliches pero sakali aniyang mangailangan ng tulong ang NBI ay handa silang magpadala ng mga operatiba.

Matatandaang inihayag ni Philhealth pre­sident at chief executive officer Dr. Roy Ferrer, na natuklasan nilang patuloy pa ring humihingi sa kanila ng claims ang WellMed para sa dialysis sessions ng ilang pasyente na umano’y mga patay na. (Dolly Cabreza)