Abante Tonite Interactive

Wells binugbog si Tubid, Nabong nangkunsinti

959

Nitong nakaraang linggo, sumabog ang balita ng sapakan sa kampo ng San Miguel Beer habang nagpa-praktis, ngunit iilan lang ang nakakaalam ng totoong detalye sa suntukan.

Base sa nakuhang impormasyon ng Abante TONITE mula sa nakasaksi sa naturang suntukan, nagsimula ang pagkakainitan tapos mapabagsak ni Arwind Santos si Dezmine Wells.

Nagkasagutan ang dalawa nang bigla umanong sapakin ni Wells si Santos ngunit nakailag si ‘Spider-Man’.

Tumulong naman si Kelly Nabong kay Wells, at nang matapos kay Santos ay si Tubid naman ang napagbuntunan ng galit na sinuntok-suntok kahit nakahiga na.

Tumakbo si Tubid palapit sa mga fan ngunit ‘di pa rin nagpaawat si Wells at sumunod pa rin at sinuntok-suntok dahilan para magtamo ng sugat si ‘The Saint’.

Pumutok ang kilay ni Tubid habang nagtamo naman ng sugat si Wells sa mukha.
Sa nasabing engkwentro, bumubulong umano si Tubid na g*go ang kanilang import at nang maabutan ay tutulungan sana ni Santos ngunit pinigilan siya ni Nabong. (Ray Mark Patriarca)