Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wendell sabak agad na bumbero

0 497

NI: ARCHIE LIAO

Maraming netizen ang na-excite nang malamang isa nang certified bumbero ang Kapuso actor na si Wendell Ramos.

Sey nila, kakaibang hamon daw ang larangang ito para sa actor. Noong bata pa siya ay isa ito sa pangarap niya na gawin.

Komento naman ng mga bitchy netizen sa kanyang video, tila nabitin sila sa unang pagsabak ng actor sa call of duty nito dahil buong akala nila ay magfle-flex ito ng kanyang muscle at ide-demonstrate ang kanyang pagiging sexy actor with matching Magic Mike moves.

Si Wendell ay isa sa mga bumberong rumesponde nang masunog ang isang pabrika sa Valenzuela city kamakailan.

Related Posts

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang IG story na may caption na “#FIRSTDAYDUTY” at “#laban”.

Samantala, sey pa niya sa 24 Oras na walang VIP treatment nu’ng ,mag-train siya na bumbero. Akala nga raw niya maski konti ay meron. Pinaghugas daw siya ng sasakyan sa mga unang training niya.

Bago pa man, nakilala bilang isang seryosong actor, gumawa rin si Wendell ng mga sexy movies.

Nagkaroon na rin siya ng butt exposure sa mga pelikula niya noon.

Later in his career, napatunayan din niya ang kanyang galing bilang magaling na komedyante lalo na nang mapabilang siya sa gag show na Bubble Gang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.