Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Were getting married – KathNiel

0 201

NI: VINIA VIVAR

Inabangan ng mga fan ng KathNiel ang announcement nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kagabi sa TV Patrol dahil sasagutin na raw ng dalawa ang isyung ikakasal na sila.

Matatandaang nabulabog ang buong KathNiel fandom nang mag-upload sina Karla Estrada na nanay ni Daniel at Min Bernardo na ina naman ni Kathryn ng wedding gown at wedding invitation. Na-excite ang lahat at hinulaang baka ikakasal na nga ang dalawa.

“We’re getting married!” sabay nilang anunsyo kagabi.

Pero ito raw ay magaganap sa pinakabago nilang project under Star Cinema na may titulong The House Arrest of Us na first digital movie series ng produksyon. Pero nilinaw ng KathNiel na hindi raw ito sequel ng The How’s of Us na blockbuster movie nila 2 years ago.

Ang kwento raw ng The House Arrest of Us ay isang romantic-family digital movie series tungkol sa dalawang tao na na-lockdown kasama ang kani-kanilang pamilya. Nagsisimula na silang mag-shoot ng naturang serye na may 13 parts.

Ito rin ang first project ng KathNiel under the new normal at aminado silang challenging para sa buong team.

“Kakaiba ‘yung experience na nandito kami sa parang village style, subdivision, para kaming nasa bubble lang din na walang pwedeng lumabas, wala ring pwedeng pumasok. Kami-kami lang din ‘yung nandito and astig-astig din siya,” sabi ni DJ.

Ayon pa sa aktor, kaya nila ginawa ang project ay gusto nilang bigyan ng kasiyahan ang mga tao sa panahon ngayon ng pandemya.

“Ngayon sa panahon natin na ang daming binibigay na pagsubok at problema, gusto nating magbigay ng ngiti,” sey pa ni Daniel.

Mapapanood na raw ngayong Oktubre ang digi-series at kasama nila rito sina Dennis Padilla, Gardo Versoza, Ruffa Gutierrez, Hyubs Azarcon, and Herbert Bautista among others.

Leave A Reply

Your email address will not be published.