Abante Tonite Interactive

Werpa ng single mom itataguyod

378

Bongga ang selebrasyon ng Araneta Center Day’ dahil walang iba kundi ang award winning actress na si Jodi Sta. Maria ang makakasama ng mga ina ng tahanan para ipagdiwang ang ‘Mother’s Day.’ May temang ‘MOMentous: A Memorable Mother’s Day at the Araneta Center sa Mayo 12 sa Gateway Mall activity area ang unforgettable mom’s day.

Magbibigay si Jodi ng special number at sasali sa cooking demo ng Professional Academy for Culinary Education.

Layon ng MOMentous na turuan ang mga momshies, lalo na ang mga solo mom na madagdagan ang kita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sari ling food business. Ang partisipasyon ni Jodi sa mother’s day ay inaasahang magiging inspiras-yon sa bawat ina lalo na’t ito ang unang beses na ang center ay tututok sa pagbibigay kapangyarihan sa mga single mom.

Tatalakayin din ang “The Solo Parent Act of 2000” ni Carina Javier, president ng Federation of Solo Parents sa Luzvimin Inc. – United Solo Parents of the Philippines (FUSPP).

Siyempre ay may sorpresa sa mga makikilahok na momshies katulad ng free skin analysis, hair styling, at foot and hand massage.