Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Werpa ni Durant sakto sa Nets

0 144

Kulang sa tao ang Brooklyn, pero sapat na nasa lineup ang leading scorer ng NBA na si Kevin Durant para salagin ang Philadelphia.

Umiskor ang 33-anyos, 6-10 ang taas na forward ng 34 kasama ang bihirang four-point play 1:46 pa sa orasan at hiniya ng Nets ang dumayong 76ers 114-105 sa 2021-22 league regular season game Huwebes ng gabi sa Barclays Center sa New York.

Nagdagdag ng parehong season-high 17 points sina Blake Griffin at Nic Claxton, may 14 pa si Patty Mills sa Eastern Conference-leading Brooklyn (21-8). Balandra ang Sixers sa 15-15.

SM food to go Banner Ad

Siyam lang ang na-uniporme sa Nets, pitong players ang nasa health and safety protocols kasama sina starters James Harden., LaMarcus Aldridge at DeAndre Bembry.

May 11 rebounds at 8 assists pa si KD, pangsapaw sa 32 markers, 9 boards at 6 dimes ni Joel Embiid at 29 points pa ni Seth Curry sa Philadelphia. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.