Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Werpa ni Piolo dedma kay Yul

0 1,643

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos na ma-deny ang franchise ng ABS-CBN ng Mababang Kapulungan sa botong 70-11, marami ang nalungkot lalo na’t dagdag na dagok ito sa ekonomiya ng bansa.Nangangahulugan din ito na marami ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng network.

Bago ang judgment day, nakuwestiyon ang loyalty ni Piolo Pascual dahil nadawit ito sa video shoot para sa SONA ng Pangulong Duterte.

Gayunpaman, sa araw na ibaba ng Kongreso ang kanilang hatol sa prangkisa ng Dos, naroon ang aktor para sumuporta.

Sey ng ilang bitchy netizen, gusto raw bumawi ng aktor sa last ditch effort nito na masalba ang network.

Related Posts

Hirit naman ng ilang kate-katera, wala raw nagawa ang star power nito para matulungan ang nasabing broadcasting company.

Ilan namang netizen ang humihingi ng hustisya sa nangyari. Pinalutang nila ang video ng eksena ng aktor na kuha sa pelikulang pinagsamahan nila ni Toni Gonzaga.

Ang dayalog daw ni Papa P na “I deserve an explanation.I need an acceptable reason” na patungkol daw sa naging boto ng 70 congressmen na hindi pinaboran ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Patungkol din daw ba ito sa kumpare niyang congressman na si Yul Servo na inilaglag ang Dos sa boto nitong Yes ?

Nagtatanong ang madlang pipol kung hindi ba kinampanya ni Piolo ang Dos kay Congressman Yul Servo ?Inaanak ni Papa P ang apat na anak ni Yul.

Tulad ni Piolo,hanggang ngayon, marami pa ring artista ng Dos ang hindi makapaniwala sa kapalarang sinapit ng kanilang network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.