Abante Tonite Interactive

Wesley laglag sa 3rd spot

237

Laglag sa two-way tie sa third place si former Philippine Chess team standout GM Wesley So tapos makipaghatian ng puntos kay GM Viswanathan Anand sa round 5 ng Altibox Norway Chess 2019 sa The Stravanger region, Norway Lunes.

Tangan ang puting piyesa, tabla ang laro ni 25-year-old So kay Anand sa standard event sa 46 moves ng Ruy Lopez kaya nagkaroon ng armageddon game.
Draw rin ang resulta pero dahil itim ang hawak ni Anand ay nabiya­yaan siya ng 1.5 puntos at 0.5 ang napunta kay So.

Ang scoring system sa 10-player single round robin ay dalawang puntos sa mananalo habang 0.5 sa tabla, pero makokopo ng may hawak na itim na piyesa ang 1.5 puntos at 0.5 lang sa player na tangan ang puting piyesa.

May anim na puntos si Imus, Cavite native So kapareho ni Armenian GM Levon Aronian.

Pero tiyak na isa sa kanila ang aangat dahil sila ang magkatapat sa round 6.

Solo si reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway sa top spot, kapit ang walong puntos habang nasa se­cond si GM Yu Yangyi ng China. (Elech Dawa)