Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wesley susulong sa ‘New In Chess’

0 193

KAKALISKISAN ni super grandmaster Wesley So ang dalawang tigasing batang woodpusher paglarga ng New In Chess Classic ngayong araw.

Makakalaban ni 27-year-old So si Alireza Firouzja, ang world’s highest junior player at Indian prodigy R. Praggnanandhaa.

Pakay na panatilihin ang pagkopo sa overall lead ng Champions Chess Tour (CCT), haharapin ni So si Firouzja sa first round habang sa third round nito makakatapat si 15-year-old Praggnanandhaa.

Mapapalaban din si reigning United States at Fischer Random chess champion, So kina Jan-Krzysztof Duda ng Poland sa second round, Englishman Gawain Jones (4th rd) at 2013 world rapid champion Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan sa fifth round.

Seeded 1 at 2 sina reigning World champion GM Magnus Carlsen at speed chess star GM Hikaru Nakamura ng USA ayon sa pagkakasunod.

Nagkaharap na sina Bacoor, Cavite native So at Praggnanandhaa, nanaig ang dating Philippine Chess team star player, 2.5-1.5 Leon Masters tournament noong 2018. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.