Abante Tonite Interactive

Westbrook, Davis nag-wrestling

628

Nasa bench na si Anthony Davis, nate-technical pa.

Hindi napigil ni Davis ang gigil, walang partisipasyon sa laro maliban sa cheerer pero nakipagsagutan kay Russell Westbrook.

Sa third quarter ng Lakers-Rockets game nitong Sabado, dinakdakan ni Davis si Westbrook. Hindi nasindak ang 6-foot-3 guard ng Rockets, pinalagan ang 6-10 forward ng Los Angeles. Napaghiwalay ang dalawa pero parehong pinituhan ng technical fouls.

Injured si Davis (bruised backside) at hindi naglaro, sumiklab ang init ng dalawa habang rumaratsada sa period ang LA.

Binalikat ng 31 points at 12 assists ni LeBron James ang Lakers tungo sa 124-115 panalo.

Bumawi ang Los Angeles mula sa talo sa Orlando noong Miyerkoles na pumutol sa kanilang nine-game winning streak. Sadsad sa pangatlong sunod ang Houston. (VE)