Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook tinapatan 20 plus reb, ast record

0 267

Pinantayan ni Russell Westbrook ang sarili niyang NBA record nitong Lunes sa regular season game sa Capital One Arena sa Washington.

Nagsumite siya ng 14 points, career-high 21 rebounds at career high-tying 24 assists para ihatid ang Wizards sa 154-141 win kontra Indiana Pacers.

Kinumpleto ng star guard ang league-leading 32nd triple-double ngayong 75th season at 178th ng career – kapos ng tatlo sa NBA record ni Oscar Robertson. May pito pang laro sa regular season ang Washington.

Nilista ni Westbrook ang pangatlong laro sa kasaysayan ng NBA na may 20-plus rebounds at 20-plus assists. Sila pa lang ni Wilt Chamberlain ang nakakagawa nito.

SM food to go Banner Ad

Sa 30-35 card, sinampahan din ng Wizards ang No. 10 sa East. Pagkatapos ng season, sasalang sa play-in ang Nos. 7-10 para desisyunan ang last two slot sa playoffs. Salampak ang Pacers sa 30-34.

Sa dami ng assists ni Westbrook, nakapagsumite ng double figures ang siyam sa 10 players na ginamit ni Scott Brooks sa pangunguna ng 27 ni Rui Hachimura.

May 33 points si Caris LeVert sa Pacers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.