Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook hiniya Lakers

0 49

Ibinagsak ni Russell Westbrook at ng Washington Wizards si LeBron James at defending champion Los Angeles Lakers sa overtime 127-124 sa 75th NBA 2021 regular season game Lunes ng gabi sa Staples Center sa California.

Hinabol ng Wizards ang 17-point deficit sa third para ibuhol ang iskor sa 115-115 pagkatapos ng regulation.

Huling baraha ng Lakers ang winner sanang free throw ni LeBron 9 seconds na lang sa fourth pero sumablay.

Nag-deliver si Westbrook ng halos triple-double na 32 points, 14 rebounds at 9 assists para ihatid sa panglimang sunod na panalo ang Washington at 11-17 overall. Tumapos ang partner niyang si Bradley Beal ng 33-7-6.

Mainam ding nag-ambag si Rui Hachimura ng 15 points at 6 rebounds sa Wizards.

Sumabay si James ng 31 points, 9 rebounds at 13 assists pero hindi naisalba ang Los Angeles na wala pa ring Anthony Davis at Denis Schroder sa starting lineup na kinabagsak sa 22-10.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.