Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook, Lakers ungos vs Hornets

0 191

Nilista ni Russell Westbrook ang unang triple-double suot ang purple and gold bago inangklahan nina Anthony Davis at Carmelo Anthony ang atake ng Lakers sa overtime para ipagpag ang makulit na Charlotte 126-123 sa 76th NBA regular season game nitong Lunes sa Staples Center sa Los Angeles.

Umiskor ng 32 si Davis, kinumpleto ni Westbrook ang 185th triple-double ng career sa 17 points, 12 rebounds at 14 assists. Nagtistis si Anthony ng season-high 29 points off the bench.

Nagkatsansa ang Hornets na makapuwersa ng second OT pero inabot ni Davis ang corner jumper ni Terry Rozier, nabawi pa ang offensive rebound pero mintis din ang 3 ni Cody Martin.

SM food to go Banner Ad

Namuno sa Charlotte ang season-high 29 points ni Rozier. Nagsumite rin ng triple-double na 25-15-11 si Lonzo Ball.

Natikman ng LA ang unang panalo sa tatlong larong wala si LeBron James na may abdominal strain. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.